Blog

Pag-sikat ng araw sa isang syudad

Ang OrthoCube Ay May Bagong Website Na!

Huling edit:

Hello sa lahat!

Masaya naming ipinapaalam na public na ang aming website!

Bilang full-stack software develpers at engineers, naisipan naming gamitin ang aming kakayanan para gumawa ng isang website para mas madali naming maibahagi sa lahat ang mga serbisyo na aming inihahandog. Mula sa mga dynamic na websites, hanggang sa makabagong app development, nandito kami para gawing realidad ang inyong mga ideya.

Ang aming inspirasyon ay ang aming mainit na interes sa teknolohiya, at ang aming dedikasyon sa pag-gawa ng mga solusyon na may pinagkaiba. Maging business owner man kayo na gustong magkaroon ng online presence, o isang tao na may ideya para sa isang app na sa tingin niyo ay papatok, nandito kami para tumulong.

Huwag mag-alinlangan na gumala sa loob ng aming website at tignan kung ano ang ginagawa namin. Ang inyong suporta ay napaka-importante para sa amin, at excited na kaming gawin ito kasama kayo.

Halina’t gumawa ng sari-saring proyekto!

Kyle mula sa OrthoCube