Serbisyo

Alam namin na walang isang saktong solusyon para sa lahat.
Kaya’t ginawa namin na flexible ang aming mga serbisyo.

Lahat ng detalye na nasa page na ito ay estimate lamang at maaaring mag-bago. Mangyaring i-contact kami para makapag-bigay kami ng mas accurate na estimate base sa inyong pangangailangan.

  • Web Development

    Kaya namin gumawa ng website base sa inyong kagustuhan. Kahit na landing page man, website ng kompanya, pang-recruit o real-estate, o iba pa, handa kaming tumulong.
    Kasama sa plan ang pag-code ng website base sa inyong design, at pag-upload into sa isang web hosting server na hawak ninyo.

    • Personal

      Bagay sa simpleng websites para sa personal blogs o maliit na negosyo.

      • 1 ~ 3 main na page
      • Para sa PC at mobile phone
      • Pag-post ng news o blog
      • Simpleng hover animations
    • Propesyonal

      Mas malaki kumpara sa personal plan. Bagay sa mga negosyong nagsisimula nang lumaki.

      • 4 ~ 7 na page
      • Para sa PC at mobile phone
      • Pag-post ng news o blog
      • Hover animations
      • Pabago-bagong laman ng mga page
    • Korporasyon

      Para sa mga website na may malawak na features. Bagay sa ano mang pangangailangan.

      • 8 o mas marami pang mga page
      • Para sa PC at mobile phone
      • Iba’t-ibang post types
      • Dalawa o mas maraming lenggwahe
      • Pabago-bagong laman ng mga page
      • Simpleng pag-update ng laman ng page gamit ang CMS
      • Magarang animation gamit ang timelines at WebGL

    Iba pa

    • Web design

      Kung wala pa kayong design na pinaplano, maaari kaming mag-bigay ng design base sa inyong kagustuhan.

    • Logo design

      Gawing bukod-tangi at kakila-kilala ang inyong brand sa pamamagitan ng pag-gawa ng logo para dito.

    • Domain name

      Igagawa namin kayo ng domain name na gusto niyo. Madalas ay nagtatapos ito sa .com, .net, o .org, pero marami pang ibang pagpipilian.

    • Shared hosting server

      Kailangan ng website ng server para umandar. Kung wala pa kayong server galing sa ibang kompanya, kaya namin kayo igawa sa isang kaaya-ayang presyo.

    • Pag-edit at repair ng website

      Kung mayroon na kayong website, kaya din namin tumulong sa inyo na mag-dagdag ng laman, mag-edit ng design, mag-bago ng features, o mag-ayos ng error nito.

  • Mobile App Development

    Kaya namin gumawa ng native o WebView apps para sa Android at iOS smartphones.
    Dalin sa next level ang experience ng inyong user sa pamamagitan ng push notifications at madaling access sa inyong latest updates.
    Hayaan ang users na mag-register at mag-log in sa kanilang account para sa personalized experience.

    • WebView

      I-convert ang isang website patungo sa app

      • Mag-send ng push notifications nang manual
      • Ipaalala sa user kapag hindi na nila binubuksan ang app
    • Basic

      Kumuha at mag-send ng data sa isang server API.

      • Kumuha at mag-display ng data habang gumagawa ng computations
      • Hayaan ang inyong users na mag-send ng data pabalik sa server (walang registration)
      • Magpakita ng data sa hanggang 5 screen
      • Pag-lipat ng screen sa inyong app
      • Mag-send ng push notifications nang manual
    • Plataporma

      Hayaan ang users na mag-log in at i-access ang inyong service

      • Registration at log-in ng mga user
      • Personal profile ng mga user
      • Pag-lipat ng screen sa inyong app
      • Pag-kuha ng data na unique base sa user na naka-log in
      • Pag-send ng data gamit ang profile ng isang user
      • Pag-send ng push notifications nang automatic at gamit ang custom na trigger at text
      • Text communication sa pagitan ng mga users

    Iba pa

    • Mobile app design

      Kung wala pa kayong design, maaari kaming gumawa ng design base sa inyong kagustuhan.

    • Logo design

      Gawing bukod-tangi at kakila-kilala ang inyong brand sa pamamagitan ng pag-gawa ng logo para dito.

Magsimula Tayo

  1. Ika-1 Hakbang
    Taong nagta-type sa harap ng laptop

    Unang Konsultasyon

    Karamihan ng detalye sa taas ay estimate lang. Mangyaring kausapin kami para pag-usapan natin ang requirements at layon ng inyong project, para mai-customize namin ang aming serbisyo para sa inyong pangangailangan.

  2. Ika-2 Hakbang
    Taong nagta-type sa harap ng laptop

    Pag-gawa ng Specification

    Kapag malinaw na ang direksyon ng ating project, tutuloy na tayo para i-formalize ang specification sa pamamagitan ng pag-fix ng kailangang features, design, at function ng app o website. Kailangan ito para maka-gawa tayo ng matibay na pundasyon para sa development.

  3. Ika-3 Hakbang
    Taong nagta-type sa harap ng laptop

    Development ng Software / Website

    Ngayong malinaw na ang specification, tutuloy na kami sa development process. Sisiguraduhin namin na ang project ay naaayon sa inyong expectation sa pamamagitan ng madalas na komunikasyon at updates.

  4. Ika-4 Hakbang
    Taong nagta-type sa harap ng laptop

    Paglilipat-kamay

    Ngayong tapos na at na-test na nang maigi, handa na kaming ibigay sa inyo ang natapos na produkto. Sinisigurado namin na lahat ng feature ay umaandar, may kalidad, at naka-ayon sa inyong inaasahan.

I-contact Kami

May project sa isip? Nagtataka kung posible ba? Nandito kami para tumulong.

I-send sa amin ang inyong tanong o ideya—kahit ang mukhang mahirap, at gawin natin silang katotohanan.